Netflix Error 115

Kung nakikita mo ang error code na 115, na madalas na may kasamang ganitong message:

Hindi ka makakagamit ng Netflix sa device na ito sa lokasyong ito. Kung sa tingin mo ay naipadala sa iyo ang message na ito nang hindi sinasadya, pumunta sa website ng Netflix.

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa network mo na pumipigil sa device mo na maka-connect sa Netflix.

Para ayusin ang problema:

Tandaan: May kasamang VPN ang ilang antivirus software na posibleng naka-on. Para alamin pa o makakuha ng tulong, makipag-ugnayan sa provider ng antivirus software mo.

Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

Kung hindi ka sigurado kung may naka-on na VPN, sundin ang steps sa ibaba.

  1. Magbukas ng web browser sa device na nasa network din ng device na may isyu.

  2. Pumunta sa fast.com. Magsisimula ang Netflix ng connection test.

  3. Kapag natapos na ang test, i-click ang Show more info.

  4. Sa tabi ng Client, tandaan ang bansa.

  5. Kung hindi nag-match ang bansa sa lokasyon mo, may naka-on na VPN sa device o network mo. Subukang i-off ito, at subukan ulit ang Netflix.

Ilang bagay na dapat tandaan

  • Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-off ng VPN dahil magkakaiba ang steps para sa bawat VPN o serbisyo. Kung kailangan mo ng tulong makipag-ugnayan sa VPN provider mo.

  • Kung hindi nalutas ang isyu sa pag-off ng VPN mo, o tumutugma ang lokasyon mo sa fast.com, pumunta sa susunod na steps sa ibaba.

  1. Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com.

  2. Hintaying matapos ang test.

Kung may nakikitang error message sa browser mo o hindi naglo-load ang website, ang ibig sabihin nito ay hindi naka-connect sa internet ang device mo. Baka kailangan mong i-troubleshoot ang home network mo o ang connection ng device mo sa internet.

Mga Kaugnay na Article