Netflix Error 1006

Kung nakikita mo ang error code na 1006, na madalas na may ganitong message:

May problema sa pag-connect sa Netflix. Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may ilang impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Kapag in-uninstall mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap nang matagal ang Netflix app.

  2. I-tap ang Remove app > Delete app > Delete.

  3. Buksan ang App Store at i-search ang "Netflix."

  4. I-tap ang Netflix, pagkatapos ay i-tap ang cloud icon para makuha ang app. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  5. Kapag naka-install na ang app, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Kung hindi mo mahanap ang Netflix app pagkatapos alisin ito, sundin ang steps ng Apple para mag-download ulit ng app mula sa App Store.

  1. Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com.

  2. Hintaying matapos ang test.

Kung may nakikitang error message sa browser mo o hindi naglo-load ang website, ang ibig sabihin nito ay hindi naka-connect sa internet ang device mo. Baka kailangan mong i-troubleshoot ang home network mo o ang connection ng device mo sa internet.

  1. Sa main menu, hanapin at piliin ang Settings.

  2. Mag-scroll pababa at piliin ang General.

  3. Mag-scroll pababa at piliin ang Reset.

  4. Sa bubukas na listahan, piliin ang Reset Network Settings.

  5. Piliin ang Reset.

  6. Pagka-restart ng device, sa main menu, hanapin at piliin ang Settings.

  7. Piliin ang Wi-Fi.

  8. Piliin ang gusto mong network at mag-sign in gamit ang password ng Wi-Fi.

  9. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Kapag nag-erase o nag-deregister, hindi made-delete ang kahit anong content mula sa Barnes & Noble account mo. Mada-download mo ulit ito kahit nag-erase o nag-deregister ka.
Kapag nag-erase o nag-deregister ka, made-delete ang kahit anong file na inilipat mo mula sa computer mo papunta sa Nook Color mo. Siguraduhing na-back up ang mga file na ito bago gawin ang steps sa ibaba!

  1. I-tap ang puting arrow sa ibaba ng screen (sa gitna ng bar ng Quick Nav).

  2. I-tap ang icon ng Settings.

  3. I-tap ang Device Info.

  4. I-tap ang Erase & Deregister Device.

  5. I-tap ulit ang Erase & Deregister Device.

  6. I-tap ang Reset NOOK.

  7. Kapag nakapag-reset at nakapag-reboot na ang Nook, sundan ang on-screen instructions para maka-connect sa Barnes & Noble account mo.

  8. Subukan ulit ang Netflix.

Kung nakakaranas ka pa rin ng ganitong error pagkatapos mong mag-full factory reset, baka may hindi maaayos na problema sa device mo. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article