Pag-troubleshoot sa Netflix 2nd Screen para sa mga TV
Nagbibigay-daan sa iyo ang Netflix 2nd Screen na kontrolin ang Netflix sa TV mo gamit ang isang Android o Apple mobile device. Para sa detalyadong steps tungkol sa paggamit ng 2nd Screen sa device at TV mo, pumunta sa Paano gumamit ng mobile device para manood ng Netflix sa TV.
Hindi available sa experience na may ads ang paggamit ng mobile device para makapanood ng Netflix sa TV. Para magamit ang mobile device mo para makapanood ng Netflix sa TV mo, kailangan mong lumipat sa plan na walang ads.
Kung nagkakaproblema ka sa paggamit ng 2nd Screen, subukan ang steps na ito:
Siguraduhing naka-connect ang phone o tablet mo sa Wi-Fi network kung saan naka-connect ang TV mo. Hindi gumagana ang 2nd screen gamit ang cellular o mobile data.
Siguraduhing naka-set up ang Wi-Fi router o modem mo para payagan ang multicast. Para sa steps para i-set up ang multicast, tingnan ang manual ng router mo o makipag-ugnayan sa manufacturer.
Paalala:Magagamit ang 2nd Screen para kontrolin ang Netflix sa higit sa isang TV, pero nang hindi magkasabay.
Kung hindi iyon gagana, sundin ang steps para sa device mo.