Sabi ng Netflix, 'Siguraduhing naka-connect sa network ang device mo (-3).'

Kung natanggap mo ang sumusunod na error sa Android phone o tablet mo:

Siguraduhing naka-connect sa network ang device mo at tama ang mga setting ng Petsa at Oras nito. (-3)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa Netflix. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

Puwedeng hindi na gumana ang Netflix kung hindi tugma ang mga setting ng petsa o oras sa kasalukuyang oras at lokasyon mo.

  1. Buksan ang settings ng Android.

  2. Hanapin ang Date & time.

  3. Siguraduhing naka-set ito sa automatic o use network-provided time/time zone.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Mula sa Android home screen, pumunta sa Settings.

  2. Piliin ang Connections.

    • Kung hindi mo nakikita ang Connections, magpatuloy sa susunod na step.

  3. Piliin ang Wi-Fi.

  4. Piliin ang network kung saan ka naka-connect ngayon.

  5. Piliin ang Forget.

  6. Kapag hindi na naka-connect ang network, i-connect ulit ito sa gusto mong network.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang Netflix app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Posibleng iba ang steps para i-clear ang data ng app para sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Aalisin ng steps na ito ang anumang na-download na TV show o pelikula na naka-save sa device mo at isa-sign out ka sa Netflix account mo.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang page ng Netflix sa Play Store, i-tap ang Uninstall, tapos, i-tap ang Install.

Ire-reinstall din ng steps na ito ang app:

  1. Buksan ang Play Store app, at i-search ang "Netflix."

  2. Hanapin at i-tap ang Netflix app sa list.

  3. I-tap ang I-uninstall.

  4. I-tap ang I-install, at maghintay hanggang matapos ito.

  5. I-tap ang Buksan, at subukan ulit ang Netflix.

Sa step na ito, hayaang naka-off at hindi nakasaksak ang device mo at ang lahat ng home network equipment mo nang sabay-sabay sa loob ng 30 segundo bago mo isaksak ulit isa-isa ang bawat device.

  1. I-off ang mobile device mo.

  2. Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.

  3. Isaksak ang modem mo at hintayin hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at hintayin hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink.

  4. I-on ulit ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Tablet and modem show succesful Wi-Fi connection

Para makakuha ng mas magandang signal, puwede mong:

  • Paglapitin ang router at device mo. Kung posible, ilagay ang mga ito sa iisang kuwarto.

  • Ilayo ang router mo sa iba pang wireless device at appliance.

  • Ilagay ang router mo sa lugar na walang harang at hindi nakalapag sa sahig. Mas malakas ang signal ng mga router kapag nasa mesa o estante.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article