Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, pero hindi available ang pagsali sa live event ngayon.'
Posibleng makita mo ang message na ito o ang error code na E128 kapag sinubukan mong manood nang live.
Pasensya na, pero hindi available ang pagsali sa live event ngayon.
Puwedeng mangyari ang error na ito sa TV o TV streaming device, cable box, mobile phone/tablet, o web browser. Maghintay sandali at subukan ulit na sumali rito.
Kung magpapatuloy ang error o hindi ka makapanood nang live, karaniwang magiging available kaagad ang event na mapanood pagkatapos ng livestream tulad lang ng iba pang title sa Netflix.
Tandaan: Posibleng available lang na mapanood ang ilang event sa loob ng limitadong panahon pagkatapos ng livestream.