Billing ng Netflix sa pamamagitan ng Apple

Ang billing ng Netflix sa pamamagitan ng Apple ay hindi na available para sa karamihan ng mga bagong member o sa mga sasali ulit.

Posibleng i-prompt ang ilang member na sinisingil sa pamamagitan ng Apple sa ilang bansa na magdagdag ng bagong paraan ng pagbabayad para ipagpatuloy ang kanilang subscription. (Note: Hindi puwedeng gamitin ang mga Netflix gift card sa mga account na ito.) Tingnan sa ibaba ang iba pang impormasyon.)

Paalala:Automatic na nagre-renew ang mga Apple subscription, at baka masingil ka nang hanggang 24 na oras bago mag-umpisa ang bawat subscription period.

Ang billing sa Apple para sa Netflix ay hindi available sa mga customer ng Netflix na bago o sasali ulit.

Kung sinusubukan mong mag-sign up sa Apple mobile device mo, puwede kang pumunta sa Netflix.com sa mobile browser at gumamit ng ibang paraan ng pagbabayad.

Tingnan ang seksyong Membership at Billing ng Netflix Account mo para makita kung sinisingil ka sa pamamagitan ng Apple.

Kung may mga tanong ka tungkol sa billing sa Apple, pumunta sa Apple support.

Puwedeng magbago ang presyo ng Apple para sa Netflix depende sa mga pagbabago sa currency o VAT. Kung sinisingil ka sa pamamagitan ng Apple, ipapatanggap sa iyo ang bagong presyo at/o pagbabago sa currency para magpatuloy ang membership mo.

Kailangan mong mag-sign in sa Apple account mo at sundin ang instructions ng Apple.

Mag-sign in sa Account mo at piliin ang I-manage ang impormasyon sa pagbabayad.

Hindi ka makakalipat ngayon mula sa Apple papunta sa Netflix gift card.

Kung nag-sign up ka sa isang gaming app ng Netflix, kailangan mong i-cancel ang subscription mo sa pamamagitan ng Apple.

Paalala:Kung hindi mo maalala ang Apple ID mo, pumunta sa Apple support.


Kapag natapos na ang kasalukuyang billing period mo at nagsara na ang account mo, puwede kang sumali ulit gamit ang bagong paraan ng pagbabayad.

Paalala:Ayon sa patakaran sa pag-cancel ng Apple, puwedeng ma-renew ang membership mo kung hindi mo ika-cancel ang subscription mo nang mahigit 24 na oras bago ang petsa ng pag-renew mo.

Kung lumipat ka mula sa billing sa Apple sa ibang paraan ng pagbabayad mula October 25, 2021, dapat mo ring i-cancel ang Netflix subscription mo sa pamamagitan ng Apple para hindi ka singilin sa Apple sa hinaharap.

Sundin ang steps na ito para mabago mo ang subscription mo sa pamamagitan ng Apple.

Naa-upgrade agad ang mga plan.

  • Buong halaga ang sisingilin sa iyo para sa bagong plan sa petsa kung kailan ka mag-a-upgrade.

  • Magbabago ang billing date mo at ise-set ito sa petsa kung kailan ka mag-a-upgrade.

  • Makakatanggap ka agad ng prorated refund para sa hindi mo nagamit na bahagi ng plan mo.


Mada-downgrade ang plan sa susunod na billing date mo.

Paalala:Kung nag-sign up ka bago ang May 10, 2014, o nag-sign up ka sa isang gaming app ng Netflix, dapat mo munang i-cancel ang Netflix subscription mo sa pamamagitan ng Apple. Kapag natapos na ang kasalukuyang billing period mo at nagsara na ang account mo, puwede kang sumali ulit gamit ang bagong paraan ng pagbabayad at magpalit ng plan mo.

Kung inupdate mo ang paraan mo ng pagbabayad mula sa Apple, kailangan mong maghintay hanggang sa susunod na billing period bago mo palitan ang plan mo. Kung hindi, babalik ka sa billing ng Apple.

Hindi makakapag-redeem ng mga promotional offer sa mga account na sinisingil sa Apple.

Para makapag-redeem ng promotion ng Netflix, kailangan mong i-cancel ang subscription mo sa pamamagitan ng Apple. Kapag natapos na ang kasalukuyang billing period mo, puwede mong simulan ulit ang Netflix account mo sa pamamagitan ng pag-redeem ng promotion.

Hindi makakapag-redeem ng mga Netflix gift card sa mga account na sinisingil sa Apple.

Para gumamit ng Netflix gift card, kakailanganin mong i-cancel ang subscription mo. Kapag natapos na ang kasalukuyang billing period mo, puwede mong simulan ulit ang Netflix account mo sa pamamagitan ng pag-redeem ng gift card.

Tingnan ang history ng pagbili mo sa Apple para makita ang petsa kung kailan ka sinisingil ng Apple para sa Netflix.

Puwede mong i-cancel ang Netflix kahit kailan.

Kung hindi mo nakikita ang option na mag-cancel sa Netflix Account mo, dapat mong i-cancel ang Netflix subscription mo sa pamamagitan ng Apple. Kung i-cancel mo ang subscription mo sa pamamagitan ng Apple, iho-hold ang account mo nang 30 araw at pagkatapos ay ganap itong ika-cancel.

Paalala:Batay sa patakaran sa pag-cancel ng Apple, posibleng ma-renew ang membership mo kung hindi mo ika-cancel ang subscription mo nang mahigit 24 na oras bago ang petsa ng pag-renew mo.

Kung lumipat ka mula sa billing sa Apple at ni-link mo ang Netflix account mo sa isang package na may Netflix mula October 25, 2021, dapat mo ring i-cancel ang Netflix subscription mo sa pamamagitan ng Apple para hindi ka singilin sa Apple sa hinaharap.

Puwede kang makipag-ugnayan sa Apple support sa support.apple.com/billing.

Mga Kaugnay na Article