Mga live event sa Netflix: WWE wrestling, boxing, at marami pang iba

Kasama ang mga live event sa lahat ng Netflix plan, para mapanood mo ang pinag-uusapan ng lahat sa sandaling mangyari ito. I-enjoy ang mga sport, comedy stand-up, award show, at iba pang special event na naka-stream nang live sa Netflix. Habang nanonood, puwede kang mag-rewind, mag-pause, mag-play mula sa simula, o lumaktaw sa alinmang punto ng livestream. Puwede ring i-download o panoorin ang mga ito pagkatapos.

Tandaan: Posibleng available na mapanood at i-download ang ilang event sa loob ng limitadong panahon pagkatapos ng livestream.

Puwede kang manood nang live sa karamihan ng mga mas bagong mobile device.

Tiyaking gumagana ang device mo sa pinakabagong version ng Netflix app para makapanood nang live.

Kung hindi supported ang panonood nang live sa device mo, magiging available na mapanood kahit kailan ang mga event na ito pagkalipas ng ilang araw, tulad ng iba pang title.

Posibleng may commerical break ang mga live event, special event, o iba pang bagong feature sa lahat ng plan namin. Walang commerical break ang mga TV show at pelikulang hindi live sa mga experience na walang ads, pero posibleng may ibang uri ng commercial content ang mga ito.

Sa pagtatapos ng live event, aalisin ang mga commercial break sa mga experience na walang ads.

Tandaan: Sa ilang sitwasyon sa mga experience na walang ads, posibleng may lumabas na ads sa loob ng ilang saglit pagkatapos mag-live ng event, pero puwede itong i-fast forward.

Habang naka-sign in sa Netflix app, i-tap ang search icon search icon at i-type ang “live events” para makita ang mga paparating at kamakailang event.

Gamitin ang feature na I-remind Ako para ma-notify kapag may available na live event o episode. Sa pag-set ng reminder, makikita rin ang title sa seksyong List Ko ng device mo kapag available na itong mapanood nang live. Puwede mo ring i-search ang title kapag oras na para manood nang live o pagkatapos ng livestream.

Posibleng limitado ang available na wika ng audio at subtitle sa bawat live event habang naka-livestream. Pagkatapos mag-live ng event, madaragdagan ang mga available na wika ng audio at subtitle (karaniwang sa loob ng ilang araw pagkatapos ng livestream), tulad lang ng iba pang title sa Netflix.

Supported ang karamihan ng mga mas bagong device.

  • Kung nakakakita ka ng mensaheng nagsasabing kailangang i-update ang app, puwede mo ring tingnan kung updated ang operating system mo.

  • Kung nakikita mo ang mensaheng nagsasabing hindi supported ng device mo ang livestreaming, kailangan mong gumamit ng ibang device para makapanood nang live.

  • Hindi supported ang pag-cast o pag-mirror sa mobile device kapag nanonood nang live. Puwede mo pa ring panoorin ang livestream sa supported mobile device mo.

May ilang device na hindi nakalista sa itaas kung saan hindi supported ang panonood nang live. Ito ay dahil hindi puwedeng i-update ang Netflix app o software na nasa device sa version kung saan supported ang livestreaming, o hindi na ito supported.

Kung wala kang supported device, karaniwang nagiging available na mapanood ang mga live event ilang araw pagkatapos ng livestream, tulad lang ng iba pang title sa Netflix. Makakakita ka ng mensaheng nagsasabing hindi supported sa device mo ang livestreaming hanggang sa araw na iyon.

Tandaan:Hindi palaging available kaagad ang title pagkatapos ng livestream kung magkaiba ang settings ng wika sa profile mo at ang orihinal na wika ng live event. Kapag kumpleto at available na ang mga subtitle sa pinili mong wika sa panonood, makakapanood ka na.

Kung nagkakaproblema ka sa panonood nang live, magbukas ng browser at pumunta sa help.netflix.com at subukang i-search ang eksaktong message, error code, o isyu para sa katugmang article at sundin ang steps.

Kung walang article na katugma ng isyu mo, makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang tulong.

Mga Kaugnay na Article