Sabi ng Netflix, 'Hindi naka-connect.'

Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing

Hindi naka-connect. Kung gusto mong subukan ulit, piliin ang button na subukan ulit. Kung gusto mong mag-exit sa application, piliin ang button na Mag-exit.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-test ang internet connection mo
  1. Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com.

  2. Hintaying matapos ang test.

Kung may nakikitang error message sa browser mo o hindi naglo-load ang website, ang ibig sabihin nito ay hindi naka-connect sa internet ang device mo. Baka kailangan mong i-troubleshoot ang home network mo o ang connection ng device mo sa internet.

Mga Kaugnay na Article