Netflix Error M7701-1003

Pasensya na sa abala
Nagkakaproblema kaming paganahin ang Netflix. Pumunta sa chrome://components, hanapin ang "Widevine Content Decryption Module," at i-click ang button na "Check for update."

Ang ibig sabihin ng error na ito ay may setting sa browser mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix, o kailangang i-update ang browser mo.

Paalala:Kung nakukuha mo ang error na ito pero hindi Google Chrome ang gamit mo, o gumagamit ka ng Chromium-based na web browser, hindi supported ng Netflix ang browser mo. Gumamit ng supported browser para patuloy na makapanood ng Netflix.

Para ayusin ang problema sa Google Chrome browser mo:

  1. I-type o kopyahin at i-paste ang chrome://settings/content/protectedContent sa address bar ng browser mo, pagkatapos ay pindutin ang Enter o Return.

  2. I-on ang Sites can play protected content, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

O:

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang More.

  2. Piliin ang Settings > Privacy and security > Site settings.

  3. Sa Content, i-click ang Additional content settings > Protected content IDs.

  4. I-on ang Sites can play protected content, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Tingnan ang mga kinakailangan sa system ng Netflix para masiguradong supported ang version ng browser mo.

Kung hindi supported ang version ng browser mo, i-update ang browser mo sa pinakabagong version o gumamit ng browser na supported ang HTML5.

Kung supported ang version ng browser mo, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. I-type o kopyahin at i-paste ang chrome://components sa address bar ng browser mo, pagkatapos ay pindutin ang Enter o Return.

  2. Hanapin ang Widevine Content Decryption Module sa list at i-click ang Check for update. Kung walang ganitong option ang browser mo, i-download ang pinakabagong version ng Chrome sa Google.

Kung Status - Component updated ang makikita mo sa browser mo, i-restart ang Chrome at subukan ulit ang Netflix.

Kung Status - Component not updated ang makikita mo sa browser mo, updated na ang component.

  1. Sundin ang steps ng Google para i-uninstall ang Chrome sa computer mo.

  2. Gamit ang ibang browser, sundin ang steps para i-install ang pinakabagong version ng Google Chrome.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article