Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-103)'

Kung may nakikita kang error sa Amazon Fire TV mo na nagsasabing

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-103)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Kapag na-clear mo ang app data ng Netflix, masa-sign out ka sa account mo. Tiyaking mayroon ka ng login at password mo para makapag-sign it ulit.

  1. Pindutin ang Home button sa remote ng Amazon Fire TV mo.

  2. Sa kanang bahagi ng screen, piliin ang Settings .

  3. Piliin ang Applications.

  4. Piliin ang Manage All Installed Applications.

  5. Mag-scroll pababa at piliin ang Netflix.

  6. Piliin ang I-clear ang Data.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

Masa-sign out kapag i-uninstall mo ang Netflix. Tiyaking mayroon ka ng login at password mo para makapag-sign in ulit.

Para i-uninstall ang Netflix:

  1. Pindutin ang Home button sa remote ng Amazon Fire TV mo.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Piliin ang Applications.

  4. Piliin ang Manage All Installed Applications.

  5. Piliin ang Netflix mula sa listahan.

  6. Piliin ang Uninstall, pagkatapos ay ang Confirm.

Para i-reinstall ang Netflix:

  1. Pindutin ang Netflix button sa remote ng Amazon Fire TV mo.

  2. Piliin ang Download.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article