Netflix Error F7701-1003

Hindi namin mapagana ang Netflix.
Pakisigurong ginagamit mo ang pinakabagong version ng Firefox at subukan ulit.
Error Code F7701-1003

Puwedeng mangyari ang error code F7701-1003 sa Firefox browser mo dahil sa kahit alin sa mga ito:

  • Naka-on ang Private Browsing mode. Hindi supported ang panonood ng Netflix sa Firefox sa Private Browsing mode.

  • May mga setting sa browser mo na nagpahinto sa Netflix.

  • Kailangang i-update ang browser mo sa mas bagong version.

Para ayusin ang problema:

  1. Isara ang tab o window kung saan bukas ang Netflix.

  2. Magbukas ng bagong tab, at subukan ulit ang Netflix.

Kung naka-on ang Private Browsing mode sa tuwing nagbubukas ka ng bagong tab o window, magpatuloy sa susunod na steps.

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Menu, at i-click ang Settings.

  2. Sa kaliwa, i-click ang Privacy & Security.

  3. Mag-scroll pababa sa History. Sa tabi ng Firefox will, i-click ang drop-down menu.

  4. Piliin ang Remember history, at i-click ang Restart Firefox now.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang More.

  2. I-click ang Settings, pagkatapos ay mag-scroll pababa sa Firefox Updates.

  3. I-click ang Restart to Update Firefox. Kung nakikita mo ang message na "Firefox is up to date," nasa pinakabagong version na ang browser mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Kung nagkakaproblema ka sa pag-update ng Firefox o nakikita mo ang error na Update Failed, sundin ang steps ng Mozilla para ayusin ang isyu sa software update.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Menu.

  2. I-click ang Settings.

  3. Mag-scroll pababa papunta sa Digital Rights Management (DRM) Content.

  4. Siguraduhing may check ang Play DRM-controlled content. Kung wala, i-click ang box para i-on ito.

  5. I-restart ang Firefox, tapos, subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Menu.

  2. I-click ang Add-ons and themes, tapos, i-click ang Plugins.

  3. Sa kanan, i-click ang Settings, tapos, i-click ang Check for Updates.

  4. I-install ang anumang available na update, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Puwedeng mangyari ang error na ito kung custom na version ng Firefox ang naka-install sa computer mo.

Para masigurong official na version ang ginagamit mo:

  1. Sundin ang steps para i-uninstall ang Firefox sa computer mo.

  2. I-download at i-install ang pinakabagong official na version ng Firefox:

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article