Netflix Error GPS-LEN
Posibleng makita mo ang error GPS-LEN na may message na:
Nagkakaproblema kami sa pag-access sa mga title na ito para sa iyo sa ngayon. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.
Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.
Para ayusin ang problema:
I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.
Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.
Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.