Bagong paraan ng pag-search sa Netflix
Available na ang bagong paraan ng pag-search sa Netflix sa ilang member bilang limitadong beta experience sa mga iPhone at iPad.
Puwede kang mag-search ng mga TV show at pelikula gamit ang sarili mong mga salita, gaya ng kung paano ka manghingi ng rekomendasyon sa isang friend. Puwede mong iakma at pinuhin ang mga rekomendasyon sa sandaling iyon depende sa mood at panlasa mo.
Para magamit ang bagong search na ito, kailangan mo munang mag-opt in sa beta experience.
Para mag-opt in:
Buksan ang Netflix app sa iPhone o iPad mo.
Sa Home screen, i-tap ang Search icon
o mag-scroll sa row na may title na Sumubok ng bagong search, at i-tap ang Alamin Pa.
I-click ang Subukan Na.
Para mag-search:
Sa Home screen, i-tap ang Search icon
.
Pumili mula sa mga kasalukuyang prompt o maglagay ng bagong search phrase.
Halimbawa: "Nakakatawa at upbeat"
Mag-scroll sa list ng results, o pinuhin ang results mo, mag-add lang sa search query sa text box.
Puwede kang mag-opt out sa beta kahit kailan kapag pinili mo ang Lumipat sa Standard Search mula sa itaas ng search page.
Magbigay ng feedback
Nasa unang yugto pa lang kami ng pagpapaganda sa bagong uring ito ng search. Para magbahagi ng feedback, mag-scroll down sa page ng search results at sabihin sa amin kung nakakatulong o hindi at bakit ang results.