Real-time na pagboto

Kontrolin ang resulta ng live event sa Netflix gamit ang real-time na pagboto.

Paano bumoto

Puwede kang bumoto sa mga partikular na sandali habang nagsi-stream nang live ang event. Bumoto gamit ang TV remote mo o sa mobile device mo kung nanonood ka sa mobile app.

  1. Ihanda ang remote mo–kapag lumabas sa screen ang prompt, may ilang sandali ka para bumoto.

  2. Pumili mula sa mga opsyon sa screen.

    Paalala: Isang beses ka lang puwedeng bumoto (kada profile), at hindi na mababago ang boto mo kapag naipadala mo na ito.

  3. Makikita mo ang resulta ng bawat boto sa live episode.

Makakaboto ka lang kung nanonood ka nang live. Kung magre-rewind ka o nahuhuli ka, baka hindi ka makaboto.

Sa ngayon, available ang real-time na pagboto sa livestream ng ilang live event. Kung may live na pagboto, ipapaalam ito sa simula ng show, pagkatapos i-click ang play.

Puwede kang bumoto nang isang beses sa bawat profile.

Puwede ka lang bumoto kung nanonood ka nang live. Kung magre-rewind ka o nahuhuli ka, baka hindi ka makaboto. Panoorin nang live ang susunod na episode para makaboto.

English ang interface ng pagboto, pero puwedeng makaboto ang kahit sino, anuman ang mga setting ng wika.

Available ang real-time na pagboto habang nanonood nang live sa mga TV at TV streaming device, at sa mobile device. Supported ang karamihan ng mas bagong device. Hindi available ang real-time na pagboto habang nanonoood sa mga web browser.

  • Kung nakakatanggap ka ng message na manood nang live sa supported na device para makaboto, hindi supported ng device mo ang real-time na pagboto, at kailangan mong manood sa ibang device para makaboto.

Mga TV at TV streaming device at game console

Siguraduhing updated ang device. Kung hindi ka sigurado kung paano i-update ang system software sa device mo, tingnan ang owner's manual o makipag-ugnayan sa manufacturer.

Mga Android phone at tablet

Kailangan ang Android 9 o mas bago at ang pinakabagong version ng Netflix app mula sa Google Play Store. Tingnan kung Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.

iPhone at iPad

Kailangan ang iOS/iPadOS 17 o mas bago at ang pinakabagong version ng Netflix app mula sa App Store. Alamin kung paano i-update ang iPhone o iPad mo.

Sa pagsali sa real-time na pagboto, sumasang-ayon ka sa mga legal na tuntunin ng Real-Time Interactivity Feature namin. Alamin pa sa netflix.com/votingterms.

Mga Kaugnay na Article