Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix. (-100).'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Pasensya na, hindi kami maka-connect sa serbisyo ng Netflix (-100)

Karaniwang ibig sabihin nito na may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Pakitandaan na kapag ginawa mo ang steps na ito, maki-clear ang kahit anong data na posibleng na-store mo sa Amazon Fire TV mo. Puwedeng kasama rito ang mga app, naka-save na password, o iba pang impormasyon. Bago magpatuloy, siguruhing may access ka sa login information para sa kahit anong app o serbisyo, kasama ang password para sa Wi-Fi network mo.

  1. Pindutin ang Home button sa remote mo.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Piliin ang System o Device.

  4. Piliin ang Restore to Factory Defaults.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi ka pa rin makapag-stream pagkatapos mong gawin ang steps na ito, makipag-ugnayan sa Amazon para sa karagdagang tulong.

Kung nakakaranas ka pa rin ng ganitong error pagkatapos mong mag-full factory reset, baka may hindi maaayos na problema sa device mo. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa karagdagang tulong.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

May problema sa hardware o software ang device mo na ang manufacturer lang ng device ang makakalutas. Para makabalik sa panonood ng Netflix, mainam na makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo at hingin ang sumusunod:

  • Tulong sa pag-upgrade sa pinakabagong firmware para sa device.

Kung na-update na ang device mo o walang available na update, posibleng may ibang suhestyon ang manufacturer mo para ayusin ang device. Kung wala silang karagdagang steps, o hindi pa rin naayos ng karagdagang steps ang problema, kakailanganin mong gumamit ng ibang device kung saan naka-enable ang Netflix para patuloy na makapag-stream.

Mga Kaugnay na Article