Sabi ng Netflix, 'Hindi mabuksan ang page, masyadong maraming redirect.'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Hindi mabuksan ang page, masyadong maraming redirect

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyon o setting sa Safari browser mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang isyu.

Payagan ang Cookies sa Safari

  1. Sa home screen, i-tap ang Settings.

  2. Mag-scroll pababa at i-tap ang Safari.

  3. Sa Privacy & Security, i-toggle ang option na Block Cookies sa Off position.

  4. I-tap ang Always Allow.

  5. Balikan ang email mo at subukan ulit ang password reset link.

Alisin ang data ng Netflix website
  1. Sa kaliwang sulok sa itaas ng browser mo, pumunta sa Safari menu.

  2. Piliin ang Preferences.

  3. Piliin ang Privacy.

  4. Sa Cookies and website data, piliin ang Details o Manage Website Data.

  5. I-search ang Netflix.

  6. Piliin ang Remove.

  7. Piliin ang Remove Now.

  8. Kapag na-delete na ang data ng Netflix website, i-force quit ang Safari at subukan ulit ang Netflix.

Para i-force quit ang Safari:

  1. Sa kaliwang sulok sa itaas ng browser mo, piliin ang Apple icon.

  2. Piliin ang Force Quit.

  3. Piliin ang Safari.

  4. Piliin ang Force Quit.

  5. I-confirm ang pinili mo.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article