Netflix Error M7020

Kung makukuha mo ang error code M7020 sa computer mo na may ganitong mensahe:

Pasensya na sa abala
Mukhang nanonood ka ng Netflix sa mahigit isang browser o tab. Pakisara ang anumang karagdagang browser o tab, at i-reload ang page. Kung hindi nito maaayos ang problema, baka kailangan mong i-restart ang computer mo.

Karaniwan itong nangangahulugang nakabukas ang Netflix mo sa mahigit isang lugar. Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Menu .

  2. I-click ang Settings > Privacy and security > Clear browsing data.

  3. I-click ang Advanced.

  4. Sa Time range drop-down menu, piliin ang All time.

  5. I-uncheck lahat maliban sa Cookies and other site data.

  6. I-click ang Clear data.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article