Netflix Error O7702-1003

Kung nakikita mo ang error code na O7702-1003 sa computer mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa turbo setting sa Opera browser mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Buksan ang Opera menu.

  2. Piliin ang Update & Recovery.

  3. Piliin ang button na Check for Update.

  4. Pagkatapos ma-download ang mga update, piliin ang Update.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

Kung walang available na update, o kung hindi naayos ng pag-update sa Opera ang problema, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. I-type ang opera://components sa address bar ng Opera, at pindutin ang Enter.

  2. Hanapin ang Widevine Content Decryption Module at piliin ang Check for update.

  3. Kapag Component updated na ang status, subukan ulit ang Netflix.

  1. I-type ang opera://settings sa Opera address bar, pagkatapos ay pindutin ang Enter.

  2. Piliin ang Advanced sa menu sa kaliwa, pagkatapos ay piliin ang Features.

  3. Mag-scroll pababa sa Opera Turbo, pagkatapos ay i-toggle sa naka-off ang Enable Opera Turbo.

    Tandaan:Available lang ang Opera Turbo sa version 59 at mas luma ng Opera.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article