Netflix Error C7701-1003
Kung nakikita mo ang error code na C7701-1003 sa Google Chromebook o Chromebox mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang baguhin ang ilang settings ng browser. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
- I-type o kopyahin at i-paste ang chrome://settings/content/protectedContent sa address bar ng browser mo, pagkatapos ay pindutin ang Enter o Return. 
- I-on ang Sites can play protected content, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix. 
O:
- Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang More  . .
- Piliin ang Settings > Privacy and security > Site settings. 
- Sa Content, i-click ang Additional content settings > Protected content IDs. 
- I-on ang Sites can play protected content, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.