Static o hissing na tunog

Kung nakakarinig ka ng static o hissing na tunog habang nanonood ng Netflix, baka kailangan mong i-update ang device mo o baka may kailangan kang baguhing audio setting.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Kung na-enable mo ang 5.1 surround sound at:

  • Na-connect mo ang Roku mo sa TV mo gamit ang A/V receiver, dapat supported nito ang Dolby Digital Plus para makapag-decode at makapag-play ng 5.1 audio. Kung Dolby Digital lang ang supported ng receiver mo o kung hindi nito supported ang Dolby surround, hindi gagana ang mga pagsubok na mag-play ng 5.1 content.

  • Hindi sa pamamagitan ng A/V receiver naka-connect ang Roku mo, o kung supported ng receiver mo ang Dolby Digital Plus, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Kung hindi mo na-enable ang 5.1 surround sound, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. Pumili ng TV show o pelikula.

  2. Sa page ng paglalarawan ng title, piliin ang Audio at mga Subtitle.

  3. Sa Audio, siguraduhing napili ang option na Stereo.

  4. Subukan ulit ang TV show o pelikula mo.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Kung na-enable mo ang 5.1 surround sound at:

  • Na-connect mo ang Roku mo sa TV mo gamit ang A/V receiver, dapat supported nito ang Dolby Digital Plus para makapag-decode at makapag-play ng 5.1 audio. Kung Dolby Digital lang ang supported ng receiver mo o kung hindi nito supported ang Dolby surround, hindi gagana ang mga pagsubok na mag-play ng 5.1 content.

  • Hindi sa pamamagitan ng A/V receiver naka-connect ang Roku mo, o kung supported ng receiver mo ang Dolby Digital Plus, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Kung hindi mo na-enable ang 5.1 surround sound, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. Mag-play ng TV show o pelikula.

  2. Habang nagpe-play ang TV show o pelikula, pindutin ang Down arrow.

  3. Piliin ang Audio at mga Subtitle.

  4. Sa Audio, siguraduhing napili ang option na hindi 5.1.

  5. Subukan ulit ang TV show o pelikula mo.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Para maayos ang problema, puwede mong:

Kung hindi gagana ang steps na ito o kung nangyayari pa rin sa iyo ang parehong problema sa web browser, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa manufacturer ng computer mo para sa tulong sa pag-troubleshoot ng problema sa audio driver.

Tingnan kung may audio driver na compatible sa Windows 10 sa website ng manufacturer ng computer mo. Kung hindi ka sigurado kung aling driver ang ida-download mo o kung paano ito i-install, matutulungan ka ng manufacturer ng computer mo

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article