Mga service code ng Netflix

Nakakatulong sa amin ang mga service code ng Netflix na mahanap at ma-verify agad ang account mo kapag nakipag-ugnayan ka sa Customer Service.

Available ang mga service code sa mga sumusunod na device, at valid ang mga ito nang 2 oras kapag nakita mo na ang mga ito sa screen:

  • Mga TV at streaming media player

  • Mga Set-top/Cable box at Blu-ray player

  • mga Android phone at tablet

  • iPhone at iPad

  • Mga PlayStation at Xbox game console

Habang naka-sign in ka sa Netflix account mo, sundin ang steps na ito para makita ang service code mo.

Para mahanap ang service code sa TV mo, o sa device na connected sa TV mo:

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong o Settings.

  3. Piliin ang Makipag-ugnayan sa Amin o Customer Service.

  4. Ang service code mo ay ang 6-digit number na makikita malapit sa phone number para tawagan kami. Kung wala kang makitang service code, makipag-ugnayan sa amin para sa tulong sa paghahanap ng account mo.

  1. Magbukas ng mobile browser at pumunta sa netflix.com. Kung hilingin sa iyo, mag-sign in gamit ang email o phone number at password mo.

  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa .

  3. I-tap ang Account.

  4. Sa ibaba ng page, i-tap ang Service Code.

  5. Ang service code mo ay ang lalabas na 6-digit number.

  1. Pumunta sa netflix.com.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang icon ng profile mo , at i-click ang Account.

  3. Sa ibaba ng page, i-click ang Service Code.

  4. Ang service code mo ay ang lalabas na 6-digit number.

Mga Kaugnay na Article