Netflix Error C7399-1260-00000024

Kung nakikita mo ang error code na C7399-1260-00000024 sa Google Chromebook o Chromebox mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa browser o credentials sa computer mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Kung naka-sign in ka na sa computer mo, mag-sign out sa pamamagitan ng pagpindot sa Ctrl+Shift+Q nang dalawang beses.

  2. Kapag hiniling, mag-sign in sa Google account mo.

    • Siguraduhing mag-sign in sa isang active na Google account. Hindi ka makakapag-stream kung nagba-browse ka bilang Guest.

  3. Mag-navigate sa Netflix.com, mag-sign in, at i-play ulit ang TV show o pelikula.

  1. Sa kanang sulok sa ibaba ng screen mo, piliin ang oras.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Sa seksyong Device, piliin ang Storage management.

  4. Kung wala nang 100 MB ang available mong storage space, kailangan mong magbakante ng space bago mo maituloy ang panonood ng Netflix.

Mga Kaugnay na Article