Netflix Error U7361-1254-8007007E

Naku, nagkaproblema
Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya o pumili ng ibang title.
Error code: U7361-1254-8007007E

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

I-disable ang audio enhancements

  1. Sa Windows Start menu sa computer mo, i-click ang Settings gear icon ng settings.

  2. I-click ang System.

  3. Mula sa kaliwa, i-click ang Sound.

  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Sound Control Panel.

  5. Sa lalabas na Sound window, i-click ang device na may berdeng check mark.

  6. I-click ang Properties.

  7. I-click ang Enhancements tab.

  8. Siguraduhing naka-on ang Disable all enhancements.

    • Kung hindi mo nakikita ang Enhancements tab, o kung naka-on na ang Disable all enhancements, magpatuloy sa susunod na step sa ibaba.

I-update ang IDT High Definition Audio Codec

Tingnan kung may audio driver na compatible sa Windows 10 sa website ng manufacturer ng computer mo. Kung hindi ka sigurado kung aling driver ang ida-download mo o kung paano ito i-install, matutulungan ka ng manufacturer ng computer mo

I-run ang System File Checker tool

  1. Pindutin ang Windows Key + X sa keyboard mo.

  2. Piliin ang Command Prompt.

    Tandaan:
    Administrator ka dapat ng computer o mag-run ng command prompt sa admin mode para matapos ang steps na ito. Kung hindi, makakakita ka ng error message.
  3. I-type ang sfc /scannow at pindutin ang Enter.

  4. Kapag tapos na ang proseso, i-restart ang computer mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article