Netflix Error ATV-ui113
Kung nakikita mo ang error code na ATV-ui113 sa Apple TV mo, na madalas na may ganitong message:
Hindi ka namin ma-connect sa Netflix. Pakisubukan ulit mamaya.
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.
I-restart ang device mo
I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.
Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.
Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.