Mga Customer Survey mula sa Netflix

Lagi kaming interesado sa sasabihin ng mga customer namin! Nakakatulong ang feedback mo para maunawaan namin ang naiisip ng aming mga customer kung paano namin mapapaganda ang product at mga ino-offer na content ng Netflix.

Para makuha ang feedback mo o makapag-recruit ng maliit na grupo ng mga customer para sa aming in-person o virtual research, nagpapadala kami ng mga survey sa email. Hindi namin ibinebenta ang impormasyon ng mga customer, at kinokolekta at ginagamit lang namin ang impormasyong ibinigay mo para pagandahin pa ang product namin.

Tungkol sa mga Customer Survey

Bilang Netflix member o dating member, magpapadala kami ng mga ganitong email paminsan-minsan. Kung ayaw mo nang makatanggap ng mga ganitong email, mag-unsubscribe dito, o piliin ang link na “unsubscribe” sa mga message mismo. Puwede ka ring pumunta sa page na Settings ng Notification at i-off Mga imbitasyon sa survey at research.

Hino-host ng mga third-party provider ang mga survey namin. Ipinapadala ang mga email na ito mula sa netflixsurveys@netflix.com, surveys@mailer.netflix.com, surveys@members.netflix.com, info@mailer.netflix.com, info@members.netflix.com, info@partner.netflix.com, o noreply@netflixpreviewclub.com. Ang mga ito ay may mga kasamang link sa mga website na gaya ng:

  • www1.netflixsurveys.com

  • www3.netflixsurveys.com

  • previewclub.netflixsurveys.com

Para sa mga survey na may mga incentive, nakikipag-partner kami sa Ethnio para magpadala sa iyo ng mga email tungkol sa kung paano i-redeem ang reward mo pagkatapos sagutan ang mga ito. Ipapadala ang mga email mula sa surveys@rewards.netflix.com.


Kung nakatanggap ka ng invitation sa survey na sa tingin mo ay phishing, paki-forward ito sa phishing@netflix.com.

Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.

Mga Kaugnay na Article