Netflix Error M7353

Pasensya na sa abala
Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo.
Error Code M7353

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

  1. Pindutin ang Windows Key sa keyboard.

  2. Piliin ang Settings .

  3. Piliin ang Update & security.

  4. Iche-check ng Windows kung may mga update. Kung hindi, piliin ang Check for updates.

  5. Kapag na-install na ang mga update, i-restart ang computer mo at subukan ulit ang Netflix.

I-disconnect ang computer mo sa kahit anong external monitor o TV at subukang i-play ulit ang TV show o pelikula. Kung malulutas nito ang isyu mo, malamang na hindi supported ng external monitor o TV mo ang HDCP copy protection.

Para sa mga advanced na user ng computer ang steps na ito.

  • Mag-install ng kahit anong update para sa security software mo.

  • Pansamantalang i-off ang security software mo at subukan ulit ang Netflix.

    • Kung maaayos ang problema kapag naka-disable ang security software mo, posibleng luma na o hindi sinasadyang nagiging hadlang sa Netflix ang software. I-activate ulit ito, pagkatapos ay makipag-ugnayan sa manufacturer ng software para sa tulong.

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

I-disconnect ang computer mo sa kahit anong external monitor o TV at subukang i-play ulit ang TV show o pelikula. Kung malulutas nito ang isyu mo, malamang na hindi supported ng external monitor o TV mo ang HDCP copy protection.

Tingnan ang website ng Apple para sa mga karagdagang detalye tungkol sa mga supported na monitor.

Para sa mga advanced na user ng computer ang steps na ito.

  • Mag-install ng kahit anong update para sa security software mo.

  • Pansamantalang i-off ang security software mo at subukan ulit ang Netflix.

    • Kung maaayos ang problema kapag naka-disable ang security software mo, posibleng luma na o hindi sinasadyang nagiging hadlang sa Netflix ang software. I-activate ulit ito, pagkatapos ay makipag-ugnayan sa manufacturer ng software para sa tulong.

Mga Kaugnay na Article