Netflix Error MSL:5403;

Posibleng makita mo ang error na MSL:5403 sa iPhone o iPad mo na may message na:

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon. (MSL:5403;)

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. Buksan ang App Switcher sa pamamagitan ng pagpindot nang dalawang beses sa Home button. Kung walang home button ang device mo, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen at pindutin ito nang matagal.

  2. I-swipe pataas ang app para i-quit ito.

  3. Buksan ang app, pagkatapos ay subukan ulit.

Paalala:Posibleng iba ang steps na ito sa device mo. Pumunta sa support site ng Apple para sa steps para mag-quit at magbukas ulit ng app sa iPhone o iPad.

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Kung nasubukan mo na ang steps sa itaas at nakukuha mo pa rin ang error na ito, ibig sabihin, hindi nagko-connect ang account sa serbisyo ng Netflix. Maghintay lang at subukan ulit sa ibang pagkakataon.

Mga Kaugnay na Article