Netflix Error tvq-rnd-101
Posibleng makuha mo ang error code na tvq-rnd-101 na may message na:
Pasensya na, nagkaproblema. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.
Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.
Para ayusin ang problema:
I-off ang device mo.
Paalala:Kung hindi ka sigurado kung naka-off na nang tuluyan ang device mo, o kung wala kang makitang power button, bunutin sa saksakan ang power cable.
Hayaang naka-off nang kahit 30 segundo ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.