Netflix Error M7399-1260-00000024

Kung nakikita mo ang error code na M7399-1260-00000024 sa Chrome browser mo, na madalas na may kasamang ganitong message,

Naku, nagkaproblema...
Error sa Incognito Mode

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa browser mo kapag nasa Incognito o Guest Mode. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Mac computer

I-restart ang browser mo

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

I-check ang available na storage

  1. Piliin ang Apple icon sa kaliwang sulok sa itaas ng screen mo.

  2. Piliin ang About This Mac.

  3. Piliin ang Storage.

  4. Kung wala nang 100 MB ang storage space mo, kailangan mong magbawas ng files para patuloy na makapanood sa Netflix.

I-update ang web browser mo

Pumunta sa Mga browser na supported ng Netflix para i-update ang web browser mo o kumuha ng ibang browser.

I-clear ang browsing data sa Google Chrome

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Menu I-customize at kontrolin ang Google Chrome .

  2. I-click ang Settings > Privacy and security > Clear browsing data.

  3. I-click ang Advanced.

  4. Sa Time range drop-down menu, piliin ang All time.

  5. I-uncheck lahat maliban sa Cookies and other site data.

  6. I-click ang Clear data.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

I-shut down ang computer mo

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Para sa Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu > Shut Down.

    • Para sa Windows: Mula sa Start menu, i-click ang Power > Shut down.

    • Para sa Chromebook: Mula sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras > Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Windows computer

I-restart ang browser mo

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

I-check ang available na storage

Windows 7

  1. I-click ang Windows icon para buksan ang Start menu.

  2. Piliin ang Computer sa options sa kanan.

  3. May lalabas na screen na nagpapakita ng Hard Disk Drives, na may impormasyon tungkol sa available na storage space. Kung wala nang 100 MB ang available mong storage space, kailangan mong magbakante ng space bago ka makapagpatuloy sa panonood ng Netflix.

Windows 8

  1. Palabasin ang Charms Bar sa pamamagitan ng pag-swipe mula sa kanan o pagtapat ng mouse mo sa kanang sulok sa itaas ng screen.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Piliin ang Change PC settings.

  4. Piliin ang PC and devices.

  5. Piliin ang Disk space.

  6. Kung wala nang 100 MB ang available mong storage space, kailangan mong magbakante ng space bago ka makapagpatuloy sa panonood ng Netflix.

Windows 10

  1. I-click ang Windows icon para buksan ang Start menu.

  2. Piliin ang Settings sa options sa kaliwa.

  3. Piliin ang System.

  4. Piliin ang Storage.

  5. Kung wala nang 100 MB ang available mong storage space, kailangan mong magbakante ng space bago ka makapagpatuloy sa panonood ng Netflix.

I-clear ang browsing data sa Google Chrome

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Menu I-customize at kontrolin ang Google Chrome .

  2. I-click ang Settings > Privacy and security > Clear browsing data.

  3. I-click ang Advanced.

  4. Sa Time range drop-down menu, piliin ang All time.

  5. I-uncheck lahat maliban sa Cookies and other site data.

  6. I-click ang Clear data.

  7. Subukan ulit ang Netflix.

I-shut down ang computer mo

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Para sa Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu > Shut Down.

    • Para sa Windows: Mula sa Start menu, i-click ang Power > Shut down.

    • Para sa Chromebook: Mula sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras > Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article