Netflix Error D7361-1253-C00D36B4

Pasensya na, pero nagkakaproblema kami sa request mo.

Karaniwang ang ibig sabihin ng error na ito ay kailangan ng computer mo ng system update para makapag-play ng Netflix, o may isyu sa audio settings mo na pumigil sa pag-play ng Netflix.

Gamitin ang mga link sa ibaba para makuha ang steps para tingnan kung may mga update sa version mo ng Windows, at subukan ulit ang Netflix.

Hindi na supported ng Microsoft ang mga computer na may Windows XP, Vista, 7, o 8.1, at hindi na maa-update ang mga ito sa version kung saan gumagana ang Netflix. Para tuklasin ang mga option mo o matuto pa, pumunta sa support site ng Microsoft.

  1. Sa Windows Start menu sa computer mo, i-click ang Settings.

  2. I-click ang System.

  3. Mula sa kaliwa, i-click ang Sound.

  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Sound Control Panel.

  5. Sa lalabas na Sound window, i-click ang device na may berdeng check mark.

  6. I-click ang Properties.

  7. I-click ang Enhancements tab.

  8. Siguraduhing naka-on ang Disable all enhancements.

    • Kung hindi mo nakikita ang Enhancements tab, o kung naka-on na ang Disable all enhancements, magpatuloy sa susunod na step sa ibaba.

Mga Kaugnay na Article