Netflix Error tvq-st-106

Kung nakikita mo ang error code na tvq-st-106, sa tabi ng isa sa mga message na ito:

Hindi maka-connect sa Netflix. Pakisubukan ulit o pumunta sa: www.netflix.com/help

Nagka-error ang Netflix. Susubukan ulit sa loob ng [X] seconds.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. Sa error screen, piliin ang More Details.

  2. Piliin ang Reload Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Subukang gumamit ng ibang app na kumo-connect sa internet para i-test ang connection ng device mo. May available na network test sa mga setting sa ilang device.

Kung hindi gagana ang ibang app o may matatanggap kang error sa network, karaniwan itong nangangahulugan na hindi naka-connect ang device mo.

Paalala:Dahil madalas na magkakaiba ang steps para kumonnect sa internet o mag-troubleshoot ng isyu sa network depende sa device, hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pagsunod sa steps para sa device mo.

Para makuha ang steps sa pag-connect para sa device mo:

  • Tingnan ang instructions o manual na kasama ng device mo.

  • Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device para sa tulong sa pag-connect ng device mo sa internet.

Kung naka-connect ang device mo at nakakaranas ka pa rin ng mga isyu, pumunta sa susunod na steps.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article