Netflix Error tvq-000

Posibleng makita mo ang error na tvq-000 sa TV o TV streaming device mo.

Para malaman ang steps kung paano ayusin ang problema, piliin ang error message sa ibaba na tugma sa message na nasa TV mo.

Puwedeng mangyari ang error na ito kung sinusubukan mong manood ng Netflix sa TV o TV streaming device habang nasa Netflix Mobile plan.

Para ayusin ang problema, subukang manood sa mobile device o lumipat sa ibang Netflix plan kung saan puwedeng manood sa TV o mga TV streaming device.

Kung wala kang Netflix Mobile plan, sundin ang steps sa seksyon sa ibaba.

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

  1. Sa error screen, piliin ang More Details.

  2. Piliin ang Reload Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article