Netflix Error tvq-cdp-100

Kung nakikita mo ang error code na tvq-cdp-100, na madalas na may ganitong message:

Pasensya na, nagkaproblema. Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

I-restart ang device mo
  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Pindutin ang More Details.

  2. Pindutin ang Sign out o Reset.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article