Netflix Error tvq-pb-101 (6.2.-13)
Posibleng makita mo ang error na tvq-pb-101 (6.2.-13) kasama ang message na ito:
Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon. Pakisubukan ulit o pumili ng ibang title.
Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.
Para ayusin ang problema:

I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.
Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.
Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.