Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, Hindi Kami Maka-connect sa Serbisyo ng Netflix (-4).'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Pasensya na, Hindi Kami Maka-connect sa Serbisyo ng Netflix (-4)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa Android phone o tablet mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Kapag ni-reset mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen o list ng apps ng device mo.

  2. I-tap nang matagal ang Netflix app, at i-tap ang App info.

  3. I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Posibleng iba ang steps para i-clear ang data ng app para sa device mo. Para sa tulong, tingnan ang manual na kasama ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa nito.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article