Netflix Error U7361-1254-C00D5212

Kung nakikita mo ang error code na U7361-1254-C00D5212 sa computer mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-update ang audio setting sa Windows. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Mahalagang Disclaimer: May steps sa article na ito na nagsasabi sa iyo kung paano babaguhin ang registry, at para ito sa mga advanced computer user. Hindi makakatulong ang customer support ng Netflix sa pag-troubleshoot sa error na ito, at inirerekomenda namin na kumonsulta ka sa isang certified na computer technician para sa tulong. Puwedeng magkaroon ng malalang problema kapag nagkamali ka sa pagbago ng registry.

Kung ikaw na lang ang magto-troubleshoot, inirerekomenda ng Microsoft na i-back up mo ang registry bago mo baguhin ito para ma-restore mo ito kung sakaling magkaproblema. Para sa higit pang impormasyon kung paano i-back up at i-restore ang registry, pumunta sa site ng Microsoft Support. Pagkatapos i-back up ang registry mo, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  1. Piliin ang Search box sa task bar at i-type ang regedit.

  2. Sa App results, piliin ang regedit, tapos, piliin ang Yes kapag nag-prompt.

  3. Hanapin at piliin ang sumusunod na registry folder:

    • HKEY_LOCAL_MACHINE\SOFTWARE\Microsoft\Windows\CurrentVersion\Audio

  4. Hanapin ang value na DisableProtectedAudioDG sa pane na nasa bandang kanan.

  5. Kung may value na DisableProtectedAudioDG, mag-right click doon at piliin ang Delete.

  6. Mag-exit sa Registry Editor.

  7. Piliin ang Search box sa task bar at i-type ang cmd.

  8. Sa App results, mag-right click sa Command Prompt, tapos, piliin ang Run as Administrator.

  9. I-type ang Net stop audiosrv at pindutin ang Enter.

  10. I-type ang Net start audiosrv at pindutin ang Enter.

  11. Mag-exit sa Command Prompt.

  12. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article