Sabi ng na-download na title na 'Expired'

Mag-e-expire pagkalipas ng partikular na panahon ang mga TV show at pelikula na na-download mo sa device mo. Puwede mong panoorin ang na-download mo kahit ilang beses mo gusto bago ito mag-expire. Makikita sa page na Mga Download sa Netflix app ang natitirang panahon bago mag-expire ang na-download.

Kung nag-expire na ang isang na-download sa device mo, sundin ang steps na ito para i-renew ito.

Hindi na mare-renew o mada-download ulit ang mga TV show at pelikula na hindi na available sa Netflix.

Android phone o tablet

I-download ulit ang title
  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko .

  3. I-tap ang Mga Download , at i-tap ang isang TV show o pelikula.

  4. Sa tabi ng na-download, i-tap ang icon ng status ng download .

  5. I-tap ang I-delete ang Download .

  6. Bumalik sa TV show o pelikula, at i-download ito ulit.

iPhone o iPad

I-check ang settings ng petsa at oras

  1. I-tap ang Settings icon sa Home screen.

  2. I-tap ang General.

  3. I-tap ang Date & Time.

    • Kung mali ang petsa at oras, i-tap ang ang petsa o oras para i-adjust ito, o I-on lang ang field na Set Automatically.

I-download ulit ang title

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko button ng profile.

  3. I-tap ang Mga Download .

  4. Sa tabi ng TV show o pelikula, i-tap ang icon ng status ng download icon ng status ng download.

  5. I-tap ang I-delete ang Download i-delete ang download.

  6. Subukang i-download ulit ang TV show o pelikula.

Netflix app para sa Windows

  1. Siguraduhing naka-connect ka sa internet.

  2. Sa Netflix app, i-tap ang Menu .

  3. I-tap ang Mga Download Ko.

  4. Sa tabi ng nag-expire na download, i-tap ang Alert icon .

  5. I-tap ang I-renew ang Download .

Tandaan:
May limitasyon ang ilang TV show at pelikula sa dami ng beses na puwedeng i-download o i-renew ang mga ito sa dahil sa mga kasunduan sa studio at license. Kung makakita ka ng error na nagsasabing hindi mo puwedeng i-download ulit ang TV show o pelikula, kailangan mo itong panoorin habang naka-connect sa internet.

Mga Kaugnay na Article