Paano gamitin ang Netflix sa Google Home at Google Assistant
Puwede mong gamitin ang Google Home at ang Google Assistant para makontrol ang mga naka-connect na Chromecast device at pumili ng mga TV na may Chromecast built in.
Kailangan ng mga TV na may Chromecast built in ang Cast version 1.21 o mas bago.
Hindi lahat ng TV na may Chromecast built in ay compatible sa Google Home voice control.
Para i-link ang Netflix account mo sa Google Assistant:
Una, i-link ang mga device mo gamit ang Google Home app. Pagkatapos, i-link ang Netflix sa Google account mo:
Buksan ang Google Home app.
Piliin ang Settings.
Sa Services, piliin ang Video.
Hanapin ang Netflix, i-tap ang Link, at piliin ang Link Account.
Ilagay ang email at password mo sa Netflix at piliin ang Sign in and Link.
Pumili ng Netflix profile na ili-link sa Google Assistant.
Makokontrol mo na ngayon ang Netflix sa mga Google Home-connected device mo gamit ang voice controls ng Google Assistant.
Para palitan ang Netflix profile na naka-link sa Google Assistant:
Buksan ang Google Home app.
Piliin ang Settings.
Sa Services, piliin ang Video.
Hanapin ang Netflix at i-tap ang Manage.
I-tap ang Change Profile at piliin ang Netflix profile na ili-link sa Google Assistant.
Para ma-unlink ang Netflix account mo sa Google Assistant:
Buksan ang Google Home app.
Piliin ang Settings.
Sa Services, piliin ang Video.
Hanapin ang Netflix, i-tap ang Unlink, at piliin ang Unlink Account.
Hindi na naka-link ang Netflix account mo sa Google Assistant.
Paalala:Kapag nag-sign out ka sa lahat ng device mula sa Account page mo, maa-unlink din ang Netflix account mo sa Google Assistant.