Netflix Error U7363-1260-8004B823

Kung nakikita mo ang error code na U7363-1260-8004B823 sa Windows computer mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa naka-store na impormasyon o settings sa device. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

I-uninstall at i-reinstall ang Netflix app

I-uninstall ang Netflix app

Paalala:
Kapag na-uninstall ang Netflix app, made-delete ang kahit anong title na na-download mo na sa device.
  1. Mula sa Start menu, i-type ang Netflix.

  2. Mag-right-click sa o i-tap at i-hold ang Netflix app.

  3. May lilitaw na popup. Piliin ang Uninstall.

  4. Piliin ulit ang Uninstall.

I-reinstall ang Netflix app

  1. Mula sa Start menu, piliin ang Store.

  2. Piliin ang Search mula sa itaas na kanang sulok ng screen.

  3. I-type ang Netflix sa search box at pindutin ang Enter.

  4. Piliin ang Netflix mula sa mga resulta.

  5. Piliin ang Install.

    • Kapag hiniling na mag-sign in ka, mag-sign in gamit ang Microsoft information mo.

  6. Kapag na-install na, i-launch ang app at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article