Netflix Error NQL.22006
Kung may nakikita kang error sa Android phone o tablet mo na nagsasabing
Naabot ang Taunang Limitasyon sa Download
May ilang TV show at pelikula na mada-download lang nang limitadong beses sa isang taon. (NQL.22006)
Naabot mo na ang taunang limitasyon sa download para sa video na ito. (NQL.22006)
Ang ibig sabihin nito ay naabot mo na ang maximum na bilang ng mga pag-download para sa isang partikular na TV show o pelikula.
May ilang TV show at pelikula na mada-download lang nang limitadong beses sa isang taon bawat account. Kung gusto mong panoorin ang TV show o pelikula sa taong iyon, kakailanganin mong kumonnect sa internet at i-stream ito. Puwede ka na lang ding pumili ng ibang TV show o pelikula na ida-download.