Netflix Error NQL.22007

Kung nakikita mo ang error code na NQL.22007 sa Android phone o tablet mo, na madalas na may kasamang isa sa mga sumusunod na message:

Naabot ang Taunang Limitasyon sa Download
May ilang TV show at pelikula na mada-download lang nang limitadong beses sa isang taon. (NQL.22007)
Limitasyon sa Pag-download
Naabot mo na ang taunang limitasyon sa download para sa video na ito. (NQL.22007)

Ang ibig sabihin nito ay naabot mo na ang maximum na bilang ng mga pag-download para sa isang partikular na TV show o pelikula.

May ilang TV show at pelikula na mada-download lang nang limitadong beses sa isang taon bawat account. Kung gusto mong panoorin ang TV show o pelikula sa taong iyon, kakailanganin mong kumonnect sa internet at i-stream ito. Puwede ka na lang ding pumili ng ibang TV show o pelikula na ida-download.

Mga Kaugnay na Article