Sabi ng Netflix, 'Naabot mo na ang taunang limitasyon sa download para sa video na ito. (10016-22006)'

Kung may nakikita kang error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing

Naabot mo na ang taunang limitasyon sa download para sa video na ito. (10016-22006)

Ang ibig sabihin nito ay naabot mo na ang maximum na bilang ng mga pag-download para sa isang partikular na TV show o pelikula.

May ilang TV show at pelikula na mada-download lang nang limitadong beses sa isang taon bawat account. Kung gusto mo nang panoorin ang TV show o pelikula, kakailanganin mong kumonnect sa internet at i-stream ito. Puwede ka na lang ding pumili ng ibang TV show o pelikula na ida-download.

Mga Kaugnay na Article