Netflix Error C7111-1331

Puwedeng magkaroon ng ganitong error code sa browser mo kung:

  • May problema sa settings ng browser mo na pumigil sa pag-play ng Netflix.

  • Hindi supported sa Netflix plan mo ngayon ang panonood sa web browser.

Para ayusin ang problema, piliin ang error message na nakikita mo, pagkatapos ay sundin ang steps.

'Hindi available para mapanood agad ang title na ito.'

Ang ibig sabihin ng error message na ito ay may setting sa browser mo na pumigil sa pag-play ng Netflix.

Gumagamit ka ba ng bookmark para pumunta sa Netflix?

Kung karaniwan kang gumagamit ng bookmark para pumunta sa Netflix, subukan na lang na i-type ang www.netflix.com sa address bar ng browser mo. Kung naayos nito ang problema mo, gawing www.netflix.com ang URL ng bookmark mo para maiwasan ang mga problema sa hinaharap.

I-update ang computer mo

  1. I-connect sa internet ang computer mo gamit ang Wi-Fi o Ethernet. Hindi puwedeng mag-install ng mga update habang naka-connect sa cellular network.

  2. Mag-click sa status area (sa kanang sulok sa ibaba, kung nasaan ang account picture mo).

  3. Piliin ang Settings.

  4. Piliin ang About Chrome OS sa menu sa kaliwa ng page.

  5. Piliin ang Check for and apply updates.

  6. Ii-install ng computer mo ang anumang kinakailangang update. Kapag na-install na ang mga update, piliin ang Restart to update.

  7. Pagka-restart ng computer mo, subukan ulit ang Netflix.

I-off ang mga Chrome extension

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:
    Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.
  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

'Pasensya na, hindi magagamit ang account mo sa device na ito.'

Ang ibig sabihin ng error message na ito ay ipinapahintulot ng Netflix plan mo ngayon ang panonood lang sa mobile phone o tablet.

Para makapanood ng Netflix sa web browser, kakailanganin mong pumili ng ibang Netflix plan.

Mga Kaugnay na Article