Netflix Error D7361-1254-8007000E

Pasensya na, pero nagkakaproblema kami sa request mo.

Karaniwang ang ibig sabihin ng error na ito ay may impormasyong naka-store sa browser mo na kailangang i-refresh.

Para ayusin ang problema:

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article