Netflix Error NSURL:1008;CM:12668;

Baka nakatanggap ka ng error na NSURL:1008;CM:12668; sa iPhone, iPad, o Apple TV mo na may message na message:

Pasensya na, nagkaproblema.

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.

(NSURL:1008;CM:12668;)

Nangyayari minsan ang isyu na ito kapag sinusubukang manood ng mga Live event sa Netflix. Humihingi kami ng paumanhin para sa anumang abala at sinusubukan na naming ayusin ito.

Sundin ang steps na ito para patuloy na manood:

Sa iPhone at iPad:

  1. Sa screen na may error, i-tap ang OK.

  2. Bumalik sa listahan ng mga palabas at pelikula.

  3. Magsimulang mag-play ng ibang title nang ilang sandali, at i-tap ang screen para mag-pause.

  4. Sa ibaba ng screen, i-tap ang Audio at Mga Subtitle.

  5. Sa ilalim ng Mga Subtitle, i-tap ang I-off.

  6. Subukang i-play ulit ang orihinal na Live event.

Sa Apple TV:

  1. Mag-exit sa Netflix app.

  2. Buksan ang Settings app.

  3. Pindutin ang Accessibility.

  4. Piliin ang Subtitles and Captioning.

  5. Palitan ang setting na Closed Captions and SDH sa Off.

  6. Subukang i-play ulit ang orihinal na Live event.

Maaaring naayos na ang isyu na ito sa pinakabagong version ng Netflix app, sundin ang steps para i-update ang app.

Sa iPhone or iPad:

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Sa Apple TV:

  1. Buksan ang App Store app.

  2. Sa itaas ng screen, piliin ang Purchased.

  3. Sa kaliwa, piliin ang All Apps.

  4. Sa listahan ng apps, hanapin at piliin ang Netflix.

  5. Kung available, piliin ang Update. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang Apple TV mo

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article