Paano gagamitin ang mga audio description sa mga download

Para mapanood ang mga na-download na TV show at pelikula na may mga audio description, sundin ang steps para sa device mo.

iPhone, iPad, o iPod touch

  1. Sa home screen ng device mo, piliin ang Settings.

  2. Piliin ang Accessibility.

    • Kung iOS 12 o mas luma ang ginagamit ng device mo, piliin ang General > Accessibility.

  3. Piliin ang Audio Descriptions.

  4. I-set ang switch sa On.

  5. Bumalik sa Netflix app.

  6. Habang nagpe-play ang na-download na title, i-tap ang option na Audio at Mga Subtitle mula sa menu ng player.

  7. Siguraduhing may Audio Description ang napili mong audio option.

  8. I-play muli ang TV show o pelikula na naka-enable ang audio descriptions.

Mga Android phone at tablet

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Habang nagpe-play ang na-download na title, i-tap ang option na Audio at Mga Subtitle mula sa menu ng player.

  3. Siguraduhing may Audio Description ang napili mong audio option.

  4. I-play muli ang TV show o pelikula na naka-enable ang audio descriptions.

Paalala:Kung may naka-download kang TV show o pelikula na gusto mong panoorin nang may mga audio description, kakailanganin mong i-delete ang title na iyon at i-download itong muli matapos mong i-enable ang setting na ito.

Mga Kaugnay na Article