Updated layout, navigation, Feed ng Mga Clip, at marami pang iba para sa Netflix mobile app

May refreshed layout ang Netflix mobile app para sa mga Android phone at tablet, iPhone, at iPad na may mas intuitive navigation at bagong feed ng Mga Clip para tuklasin ang susunod mong paboritong show o pelikula.

Ano'ng bago?

Updated layout

  • Bottom navigation: Makikita angHome, Mga Clip (hindi sa lahat ng bansa magiging available), Mag-search, at Netflix Ko sa ibaba ng screen.

  • Mga shortcut at filter sa itaas ng screen: I-swipe para i-filter batay sa uri ng content (halimbawa, Mga Show, Mga Pelikula, Games, o Mga Podcast, ano’ng Bago at Patok, o category.

  • Notifications center sa top navigation: I-tap ang Notifications bell para mahanap ang mga bagong dagdag.

Available ang updated layout na ito sa mga Android phone at tablet, iPhone, at iPad na may pinakabagong version ng Netflix app.

Fee ng Bagong Clips

Manood ng tuloy-tuloy na stream ng maiikling clip mula sa mga patok na show at pelikula gamit ang feed ng Mga Clip. I-tap para panoorin ang buong show o pelikula, maglagay ng title sa List Ko, o i-share sa mga kaibigan at kapamilya.

Kasalukuyang available ang Mga Clip sa mga piling bansa sa mga Android phone at iPhone na may pinakabagong version ng Netflix app. Iro-roll out namin ang bagong feature na ito sa buong mundo sa loob ng mga susunod na buwan.

Pumunta sa mga shortcut sa itaas ng screen at mag-swipe pakanan para makita ang mga Bago at Patok na show at pelikula. Kasama sa Bago at Patok ang mga title na Paparating Na, ano’ng Pinapanood ng Lahat, at Top 10 na show at pelikula.

Pumunta sa mga shortcut sa itaas ng screen at mag-swipe pakanan para makita ang Games, o mag-scroll pababa sa Mobile Games row.

Hindi pa available ang Mga Clip sa lahat ng bansa. Ipagpapatuloy namin ang pag-roll out nito sa buong mundo sa mga susunod na buwan.

Mga Kaugnay na Article