Mga educational screening ng mga title ng Netflix
Available ang ilang original show at pelikula ng Netflix para sa mga one-time na educational screening.
Nasa ibaba ang mga documentary title na available para sa mga educational screening. Para sa screening guidelines, tingnan ang grant of permission sa page na ito.
Para makahanap ng mga scripted na pelikula at series na available para sa mga educational screening, pumunta sa media.netflix.com at hanapin ang title, o i-browse ang mga bago at paparating naming release. Ipapakita ng mga title na available para sa mga educational screening ang pananalita ng grant of permission o Educational Screenings Permission (ESP).
Grant of Permission para sa mga Educational Screening
Buong pagmamalaking pine-present ng Netflix ang original programming na umuugnay sa mga user sa makabuluhang paraan. Alam naming marami sa inyo ang excited din kagaya namin sa mga pelikula at series na ito, at dahil sa mga aspeto ng mga ito na nagbibigay-impormasyon, gusto mong ipalabas ito sa educational na paraan -- hal., sa classroom, sa susunod na meeting ng community group mo, sa book club mo, atbp. Dahil dito, papayagan namin ang mga one-time na educational screening ng kahit alin sa mga title na nabanggit sa impormasyong ito, ayon sa mga sumusunod na tuntunin:
Maa-access lang ang pelikula o series gamit ang serbisyo ng Netflix, ng may-ari ng Netflix account. Hindi kami nagbebenta ng mga DVD, at hindi rin kami makakapagbigay ng iba pang paraan para maipalabas mo ang pelikula.
Hindi dapat pagkakitaan at hindi dapat komersyal ang screening. Ang ibig sabihin nito, hindi ka puwedeng maningil ng admission, o manghingi ng mga donasyon, o tumanggap ng mga advertising o commercial sponsorship kaugnay ng screening.
Huwag gamitin ang mga logo ng Netflix sa kahit anong promotion para sa screening, o huwag gumawa ng kahit ano pang bagay na nagpapahiwatig na “official” o ineendorso ng Netflix ang screening.
Ang ibig sabihin ng "one-time na screening" ay hindi ka puwedeng mag-screen nang maraming beses sa isang araw o isang linggo - pero kung, halimbawa, isa kang guro at gusto mong ipalabas ang mga pelikula o series na ito isang beses bawat semester sa loob ng maraming semester, okay lang 'yon.
Nagtitiwala kami na igagalang ng mga user namin ang mga alituntuning ito, na may layuning tulungan kang ibahagi at talakayin ang content namin sa komunidad mo.
Pakitiyak na sumusunod ang screening mo sa lahat ng angkop na batas at regulasyon, kung saan maaaring atasan kang kumuha ng license mula sa isang collective management organization sa ilang partikular na teritoryo.