Netflix Error C7020

Posibleng makuha mo ang error code na C7020 kasama ng message na:

Pasensya na sa abala

Mukhang nanonood ka ng Netflix sa higit sa isang browser o tab. Pakisara ang extra na browser o tab, at i-reload ang page. Kung hindi nito maaayos ang isyu, posibleng kailangan mong i-restart ang computer mo.

Ang karaniwang ibig sabihin nito ay nakabukas ang Netflix mo sa higit sa isang lugar. Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang More.

  2. I-click ang More Tools > Clear Browsing Data...

  3. I-click ang Advanced.

  4. Sa drop-down menu ng Time range, piliin ang All time.

  5. I-check ang Cached images and files.

  6. I-click ang Clear data, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article