Hindi makita ang 'Cast' button sa Netflix app

Kung wala ang icon na "Cast" kapag sinusubukan mong manood ng Netflix sa Chromecast mo, karaniwang dahil ito sa nasa magkaibang network ang Chromecast mo at ang mobile device mo. Kung nakikita at nata-tap mo ang icon na Cast, pero hindi lumalabas ang Chromecast o TV mo, sundin ang steps na ito.

Hindi available sa experience na may ads ang paggamit ng mobile device para makapanood ng Netflix sa TV. Para magamit ang mobile device mo para makapanood ng Netflix sa TV mo, kailangan mong lumipat sa plan na walang ads.

Kung wala sa Netflix plan na may ads ang account mo, sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problem

  1. Buksan ang Google Home app sa Android phone o tablet mo. Kung wala ka nito, makukuha mo ito mula sa Google Play Store.

  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Home icon, at mag-scroll pababa para hanapin ang Chromecast mo.

    • Kung hindi mo mahanap ang Chromecast mo, o ipinapakita ito bilang Offline, baka kailangan mo itong i-plug in o i-connect sa parehong network ng phone o tablet mo. Para sa tulong, sundin ang steps ng Google para i-connect ang Chromecast mo sa ibang network.

    • Kung ipinapakita ang Chromecast mo bilang On, nasa tamang network ito.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Baka kailangan mong i-update ang Google Home app at Google Play Services app.

Para i-update ang apps sa phone mo:

Paalala:Kung hindi ka naka-connect sa Wi-Fi o gusto mong magtipid ng mobile data, puwede mo ring sundin ang steps ng Google para indibidwal na i-update ang bawat app.

  1. Buksan ang Google Play Store app.

  2. I-tap ang profile icon.

  3. Sa ilalim ng Updates available, i-tap ang Update all. Kung wala kang makitang ganitong option, ibig sabihin nito na up to date na ang apps mo.

  4. Kapag tapos na ang mga update, subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  5. Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.

  1. Buksan ang Google Home app sa iPhone o iPad mo. Kung wala ka nito, puwede kang kumuha nito sa App Store.

  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang Home icon, at mag-scroll pababa para hanapin ang Chromecast mo.

    • Kung hindi mo mahanap ang Chromecast mo, o ipinapakita ito bilang Offline, siguraduhing nakasaksak ito at naka-connect sa parehong Wi-Fi ng iPhone o iPad mo. Para sa tulong, sundin ang steps ng Google para i-connect ang Chromecast mo sa tamang network.

    • Kung ipinapakita ang Chromecast mo bilang On, nasa tamang network ito.

  3. Buksan ang Netflix, pagkatapos ay subukan ulit.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

I-off ang mga Chrome extension

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

Mga Kaugnay na Article